Home NATIONWIDE P200M Ultra Lotto 6/58 jackpot, mailap!

P200M Ultra Lotto 6/58 jackpot, mailap!

432
0

MANILA, Philippines- Walang nagwagi ng P202,796,480.80 Ultra Lotto 6/58 jackpot prize sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo, alas-9 ng gabi.

Matapos umabot ng Ultra Lotto 6/58 sa P200-million line, walang mananaya ang tumama sa 31 – 04- 52- 54- 10- 56 winning digit combination.

Subalit, pito ang nagwagi ng second-place prize na nagkakahalaga ng P120,000, at 641 bettors naman ang nakakuha ng tig-P2,000 sa third place.

Samantala, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may jackpot prize na P15,840,000 sa 31- 13- 24- 33- 09- 26 winning number combination. 

Sa kabila nito, 22 players ang wagi ng second-place prize na P50,000, habang 1,123 ang nakakuha ng tig-P1,200 para sa third-place prize. RNT/SA

Previous articleIsraeli FM nasa Pinas; agri, tech, economic ties tututukan
Next articleVice Ganda, umatras mag-anak; Nanay Rosario, may reaksyon!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here