Home NATIONWIDE P20M lotto jackpot mailap

P20M lotto jackpot mailap

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Peb. 22 na walang nanalo para sa mga jackpot prize ng Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49 sa 9 p.m. draw.

Walang manlalaro ang nakahula ng tama sa 6/42 winning digit combination ng 05-21-17-36-22-07 na may jackpot na P5.9 milyon.

Ang Lotto 6/42 draw ay ibinobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Samantala, wala rin sa mga manlalaro ang nakahula ng tama sa 36-11-06-46-16-17 Super Lotto winning digit combination na may jackpot na P15.8 milyon.

Ang susunod na Super Lotto draw ay sa Peb. 24.

Narito ang mga resulta para sa iba pang digit na laro: 04-14 para sa 2D Lotto, 9-7-3 para sa 3D Lotto, at 3-5-9-8-5-1 para sa 6D Lotto. RNT

Previous articleSearch and retrieval ops sa Maco landslide itinigil na
Next articleMotor nanuwag ng bus; bata, 2 pa patay!