Home METRO P21.4M shabu, marijuana nakumpiska sa Cordillera

P21.4M shabu, marijuana nakumpiska sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet- Nasamsam ng mga pulis ang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng P21.4 milyon at naaresto ang 13 hinihinalang drug pushers sa anti-drug campaign ng Cordillera region mula Hunyo June 10 hanggang 16.

Sinabi ni Police Regional Office-Cordillera chief Police Brig. Gen. David Peredo Jr. na nakumpiska sa 37 operasyon ang 84,470 fully grown marijuana plants, 1,500 marijuana seedlings, 5,309.37 marijuana leaves at fruiting tops, 28,000 gramo ng marijuana stalks, at 26.58 gramo ng shabu.

Siyam sa mga naaresto ang high-value targets at apat ang street-level individuals.

Karamihan sa ilegal na droga– nagkakahalaga ng P14,060,840– ang nasabat sa lalawigan ng Kalinga kung saan limang buy-bust operations, tatlong search warrants, at pagresponde sa insidente ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na drug pushers.

Anim na bala naman ang narekober mula sa mga suspek. RNT/SA