Home NATIONWIDE P23M premyo sa lotto nasolo!

P23M premyo sa lotto nasolo!

MANILA, Philippines- Wagi ang isang mananaya ng jackpot prize na mahigit P23 milyon sa Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules ng gabi, Marso 20, 2024.

Sa kombinasyong 08-07-16-17-11-37 ay napanalunan ng nag-iisang bettor ang P23,122,833.80.

Huling nasungkit ang Megalotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng P15.8 milyon ng isang mananaya noong March 6.

Wala namang nanalo sa iba pang major lotto draw nitong Miyerkules ng gabi. Sa kombinasyong 33-51-42-20-47-46 ay napanalunan sana ang Grand Lotto 6/55 jackpot na P150,825,036. RNT/SA

Previous articleDagsa ng pasahero sa mga terminal sa Holy Week pinaghahandaan na
Next article2nd batch ng tseke para sa displaced OFWs sa Saudi ‘di pa nailalabas