Home METRO P24M winasak sa Kalinga  

P24M winasak sa Kalinga  

TINGLAYAN, Kalinga- Winasak ng mga pulis ang tanim na marijuana na nagkakahalaga ng P24 milyon sa eradication operation sa bayang ito mula January 22 hanggang 23.

Nadiskubre ng units sa pangunguna ng Kalinga Police Provincial Office ang marijuana plantation sa Barangay Butbut Proper.

Mahigit-kumulang 120,000 fully grown marijuana plants na total standard drug price na P24 milyon ang natuklasan ng mga awtoridad.

Binunot at sinunog ang mga nasabing ilegal na pananim.

Nagsasagawa ang mga pulis ng follow-up investigation upang tukuyin at mahuli ang cultivators.

Nangako ang Police Regional Office (PRO)-Cordillera na ipagpapatuloy ang pagsasagaa ng anti-illegal drugs operations sa rehiyon. RNT/SA

Previous articlePI pag-atake sa checks and balance, bicameralism- Estrada
Next article4M donasyong plastic cards tinanggihan ng LTO