Home NATIONWIDE P25.2M ayuda ipinamahagi ng gobyerno sa apektado ng 6.8-M Soccsksargen quake

P25.2M ayuda ipinamahagi ng gobyerno sa apektado ng 6.8-M Soccsksargen quake

MANILA, Philippines – Pinalawig ng gobyerno ang kabuuang P25.2 milyong sa mga pamilya na labis na naapekuhan ng 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Soccsksargen noong nakaraang linggo.

“As of this report, a total of 25,209,575 pesos has been provided to the affected families. As of this reporting, the LGUs are still able to manage and respond adequately to the needs of their affected population with the support and assistance from the national line agencies in the region,” ang sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) Regional Office for Region XII sa situation briefing kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa General Santos City.

Iniulat din ng OCD na ang food at non-food items cluster ay nakapagbigay na ng 13,148 family food packs; 74 loaves of bread; at, 2,119 assorted items. May  kabuuang 3,870 katao naman ang binigyan ng tulong na nasa crisis situation.

Ang health cluster naman ang nagbigay ng “triaging, first aid, at psychological first aid sa mga biktima.

Mayroon namang kabuuang 718 biktima, 689 outpatient, at 29 ang na-admit para sa confinement.

Pagdating naman sa prepositioned resources, ang health cluster ay naglaan para sa medical at public health; P300,000 para sa mental health at psychosocial services, at P400,000 para sa nutrisyon.

Mayroon namang 27 medical practitioners ang available na para sa deployment.

Nagbigay din ng psychological first aid sa mga apektadong mag-aaral sa pamamagitan ng education cluster, habang ang shelter cluster naman ay naghanda na ng 167 shelter grade tarpaulins.

At para naman sa law and order, 28 tauhan ang dineploy para magbigay ng area security at tumulong sa relief operation.

Kaugnay naman sa search and rescue at retrieval efforts para sa mga nawawalang tao sa Bgy. Mudan, Glan, Sarangani Province, may kabuuang 47 tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP) ang dineploy.

“The logistics cluster also fielded 41 personnel, seven heavy equipment, and installed 50 early warning signages,” ayon sa OCD. Kris Jose

Previous articleIlang Saudi OFWs sinimulan nang bayaran pero PH banks ‘di tumatanggap ng tseke
Next articleGuro, asawa patay sa tambang; krimen kinondena ng DepEd