Home METRO P270K pondo para sa TUPAD na inuwi ng DENR-CENRO employee sa bahay,...

P270K pondo para sa TUPAD na inuwi ng DENR-CENRO employee sa bahay, natangay!

REAL, Quezon- Nanakawan ang Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources (DENR-CENRO) employee ng payroll money para sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) workers sa kanyang tahanan sa lugar na ito nitong Sabado.

Ayon sa mga pulis, nawalan ang biktimang si Rubelyn, 29, ng payroll money na nagkakahalaga ng P270,000 at P119,000 at personal na mga kagamitan. Nanakawan siya ng kabuuang P436,700.

Batay sa imbestigasyon, nagising si Rubelyn nang malaglag ang monitor malapit sa bintana at nakita niyang natanggal ang jalousie sa ibabang bahagi nang madiskubre niyang nawawala ang dalawa niyang backpack na may lamang pera at gadget.

Natagpuan ang kanyang pouch at mahabang sanga na ginamit upang makuha ang mga ninakaw na kagamitan sa labas ng bintana. RNT/SA

Previous articlePagsasara ng SHS program sa public HEIs pinalagan ng ilang grupo
Next articleAra, di bet maka-kissing scene si Jomari!