Home METRO P27M ismagel na yosi nasabat ng BOC

P27M ismagel na yosi nasabat ng BOC

MANILA, Philippines- Naharang ng Bureau of Customs ang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P27,587,500 sa Davao Gulf.

Ayon sa inilabas na pahayag nitong Biyernes, nasabat ng BOC-Port of Davao at Naval Forces Eastern Mindanao ang mahigit 717 master cases na naglalaman ng 38,850 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo sa isang motorbanca.

Nagsagawa ang joint team ng operasyon nitong November 6 matapos makatanggap ng intelligence report na posibleng may kargang ilegal na produkto ang motorbanca.

Naglabas si District Collector Maritess T. Martin ng warrant of seizure and detention nitong November 7. Nakatago ang nasamsam na sigarilyo sa isang warehouse sa ilalim ng kustodiya ng BOC, habang ang naharang na banca ay kasalukuyang hawak ng Enforcement and Security Service – Davao.

Noong Setyembre, nasamsam din ng BOC-Port of Davao ang P54,988,000 halaga ng ismagel na sigarilyo. RNT/SA

Previous articleProseso ng pagpapalaya sa mga PDL pinapaspasan ng DOJ, BuCor
Next articleVice, ‘di na kaya ang matagalang show!