P28M benta sa lumang sapatos ni Jordan

P28M benta sa lumang sapatos ni Jordan

May 19, 2020 @ 10:29 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

MANILA, PHILIPPINES – Muli na namang gumawa ng kasaysayan sa auction si National Basketball Association (NBA)  star Michael Jordan matapos pag-agawan at mabili ang luma niyang sapatos sa halagang tumataginting na $560,000 o mahigit P28 milyon.

Ayon sa ulat, mula pa sa apat na kontinente ang mga bidder sa Sotheby’s auction ng naibentang pirmadong Nike Air Jordan 1 na sapatos ni MJ.

 

Ang nasabing sapatos ay eksklusibong ginawa para gamitin ni Jordan at ito ay may ipinagyayabang na katangiang pula imbes na black and white na stripe.

Isa sa pamosong ibinibida ng naibentang sapatos ang pagkakaiba ng sukat nito, kung saan size 13 ang kaliwa habang size 13.5 ang kanan.

Winasak nito ang record sa Sotheby’s auction na Nike “Moon Shoe” na may halagang $437,500 na idinesenyo ni  Nike co-founder Bill Bowerman noong 1972 para sa Olympic Trials. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...