Home METRO P28M marijuana,  shabu inabandona sa Kalinga

P28M marijuana,  shabu inabandona sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga- Hanggang sa ngayon ay pinanghahanap ng mga awtoridad ang possibleng may-ari ng isang SUV na inabandona na may kargang P28 milyong halaga ng marijuana at shabu sa bahagi ng Mosimos, Dupag, Tabuk City, Kalinga.

Narekober ng Tabuk City Police Station ang 205 piraso ng Marijuana Bricks, 45 piraso ng tubular at 25 pieces ng vacuum sealed dried marijuana na aabot sa P28,050,000 ang halaga.

Anim na gramo pa ng shabu ang nakuha na nagkakahalaga ng P40,800 at nakuha rin ng ilang non-drug items kabilang ang isang itim na backpack, dalawang pirasong plaka ng sasakyan at SUV kung saan natuklasan ang mga kontrabando.

Pinangunahan ang operasyon ng Tabuk City Police Station at SOU 14 katuwang ang 14SAB 141SAC PNP SAF, 2nd KPMFC, PIU/PDEU, RID, PIT Kalinga, 150rd RMFB 15, Tinglayan MPS at PDEA Kalinga.

Bilang tugon, tuloy naman ang pagtunton sa mga may-ari ng sasakyan na una pa umanong namanmanan na nagsasagawa ng ilegal na pangangalakal ng droga sa lalawigan.

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang narekober na kontraband habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nagmamay-ari ng naturang sasakyan.

Matandaang ilan milyon din ang inabandonang marijuana sa ilalim ng tulay dito sa lungsod ng Tabuk. Rey Velasco

Previous article₱6.9M shabu nasabat; suspek huli
Next articlePH manufacturing tumaas noong Disyembre – PSA