Home METRO P2M hygiene kit, ipinamahagi sa PDLs ng Manila City Jail

P2M hygiene kit, ipinamahagi sa PDLs ng Manila City Jail

MANILA, Philippines – Nasa P2 milyon halaga ng hygiene kit ang ipinamahagi ng Department of interior and Local Government (DILG) sa mga person deprived of liberty o (PDL) ngayong araw, Nobyembre 27 sa Manila City Jail.

Ang donor o nagbigay ng nasabing mga produkto ay ang Reckitt na isang British multinational company.

Dinaluhan nina DILG Secretary Benhur Abalos Jr, kasama ang kawani na siyang nanguna sa pagbibigay donasyon, dumalo rin ang kinatawan ng Reckitt, na si Atty. Diana R. Mari, Chief BJMP Jail Director Ruel S. Rivera at JCINSP Jayrex Bustinera BJMP SPOKESPERSON AT MPD district director PCol Arnold Thomas Ibay ang hand over ceremony.

Ayon kay Jail Director Rivera, malaking bagay ang donasyong Hygiene Kit dahil isa sa mga hamon ngBJMP ang pag-iwas sa pagkalat ng impeksyon na nagdufulot ng mga mikro-organismo sa mga pasilidad ng kulungan.

Napag-alaman na mayroong 3,994 PDL ng Manila City Jail kaya dapat mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga bilanggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTraining regulation ng CDWs ng TESDA, nakapaloob sa GAB – Gatchalian
Next articleDSWD kinalampag sa pagreresolba ng isyu sa distribusyon ng social pension sa indigent seniors