Home METRO P2M shabu nasamsam sa San Carlos City

P2M shabu nasamsam sa San Carlos City

MANILA, Philippines – Arestado ang apat na hinihinlang drug pusher kabilang ang No. 9 personality sa drugs watchlist, sa isang buy-bust operation sa Barangay 5, San Carlos City, Negros Occidental nitong Sabado, Pebrero 10.

Hindi pa ibinibigay ng pulisya ang pangalan ng apat na edad 24 hanggang 29.

Ayon kay Police Lt. Col. Nazer Canja, San Carlos police chief, inilunsad nila ang operasyon bunsod ng sumbong ng illegal na aktibidad ng mga suspek.

Naabutan ang mga ito sa pinatatakbo nilang drug den mula sa inuupahang bahay.

Ani Canja, ang dalawang suspek ay itinuturing na high-value individuals habang ang dalawa iba pa ay street-level individuals.

Nakuhanan ang mga ito ng nasa 300.01 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,060,468, marked money, improvised tooters at lighter. RNT/JGC

Previous articleKelot pinugutan sa Samar
Next articleLola patay nang madamay sa banggaan