Home METRO P3.2M marijuana binunot sa Kalinga, Benguet

P3.2M marijuana binunot sa Kalinga, Benguet

CAMP DANGWA, Benguet- Nadiskubre ng Police Regional Office-Cordillera ang marijuana plantations sa mga lalawigan ng Kalinga at Benguet noong Hunyo 15.

Winasak ang marijuana na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.

Sa Kalinga, 15,000 fully grown marijuana plants (FGMJP) na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Batangay Loccong, Tinglayan.

Nadiskubre naman ang 1,000 marijuana seedlings at 1,170 FGMJP na nagkakahalaga ng kabuuang P274,000 sa mga munisipalidad ng Bakun at Kibungan.

Dinala naman ang samples sa Regional Forensic Unit-Cordillera para sa pagsusuri.

Nagsasagawa na ang mga pulis ng follow-up investigation upang matukoy ang cultivators. RNT/SA