Home METRO P3.3M shabu nasabat sa Lucena

P3.3M shabu nasabat sa Lucena

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Barangay 1, Lucena City, Quezon nitong Biyernes, Hunyo 14.

Ayon kay Police Col. Ledon Monte, Quezon police director, kinilala ang mga suspek na sina Mohamad, 48, at Babylyn, 25, pawang mga residente ng Barangay San Fernando, Malvar, Batangas.

Nakuhanan ang mga high-value individuals na ito ng limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na kabuuang 165 gramo.

Nagkakahalaga ito ng P3.3 milyon.

“This is the result of our strenuous campaign against illegal drugs to ensure our community is safe from the elements that bring harm to our area,” ani Monte.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC