CEBU CITY- Nawalan ng kalayaan ang 41-anyos na lalaki nitong Independence Day matapos maaresto sa isang buy-bust operation sa Barangay Paknaan, Mandaue City.
Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Alvin Araneta.
Narekober naman mula sa kanya ang hindi bababa sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Opao Police Station sa pamumuno ni Police Capt. Waldo Batad.
Base kay Batad, isang hired drug courier ang nahuling suspek.
Nakatanggap ang suspek ng utos mula sa isang drug personality na kasalukuyang nakaditine sa city jail, batay sa mga awtoridad. RNT/SA