Home METRO P3.5M shabu, nakumpiska

P3.5M shabu, nakumpiska

80
0

BACOLOD CITY – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos madakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay anti-drug operations, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Sa report ng Enforcement Agency-Western Visayas (PDEA-6), bandang alas-4:20 ng hapon sa Barangay 10, Reclamation Area ng naturang lungsod, nadakip ang suspek na si Noel Palacios, 22, residente ng Purok Nangka, Barangay 3.

Nakuha kay Palacios, ang 500 gramo ng pinaniniwalaan shabu na aabot sa halagang P6,800 per gram na may kabuuan halaga naP3.4 milyon.

Pagsapit naman ng alas-7:40 ng gabi sa Barangay Banago nahuli naman ang isa pang suspek na si Nemia Aguilar Jalando-on, 43, nasa high-value target list.

Nakumpiska kay Aguilar ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 at P1,000.

May kabuuang P3.5 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa mga naarestong suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleDavao de Oro niyanig ng  M-4.5 quake
Next articlePope Francis: Poot, alisin na