MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Station (PS 10) ang P3.5 milyong halaga ng “shabu” at naaresto ang tatlong suspek sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operations sa Quezon City nitong Miyerkules.
Kinilala ng PS 10 ang unang suspek na si Christopher Laguras Adao, 44, na nahuli sa kanyang tirahan sa Laura St. sa Ramos Compound, Barangay Matandang Balara, Quezon City dakong alas-10 ng umaga.
Isinagawa ang buy-bust operation sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Unit Agency (PDEA) matapos isuplong ng isang concerned citizen ang drug peddling activity ong suspek.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili ng P55,000 halaga ng “shabu” mula kay Adao.
Nasamsam mula sa suspek ang halos 475 gramo ng shabuna may street value na P3,570,000, isang unit ng cellular phone, at ang buy-bust money.
Sa ikalawang buy-bust operation, nadamba ng mga pulis sina Christopher Inay Laviña, 38, ng Sampaloc, Manila, at Rocky Duro Denoso, 34, ng Tondo, Manila.
Base sa mga pulis, naaresto ang mga suspek bandang alas-10 ng umaga sa Sct. Santiago St. sa Barangay Obrero, Quezon City.
Nasabat ng mga operatiba ang isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800, dalawang cellular phones, at ang buy-bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 1965 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002. RNT/SA