Home METRO P3.6M tsongki inabandona sa ilalim ng tulay

P3.6M tsongki inabandona sa ilalim ng tulay

TABUK CITY, Kalinga – Nadiskubre ng pulisya ang milyong-milyong halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa ilalim ng Canao Bridge sa Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Nakalagay sa dalawang sako ang mga hinihinalang marijuana bricks na tumitimbang tatlumpung kilo at nagkakahalaga ng P3, 600,000.00.

Ayon sa pulisya hinalo ang mga iniwang marijuana sa mga sako ng basura at nadiskubre ito matapos makatanggap nang impormasyon ang kapulisan mula sa isang indibidwal.

Hinala ng pulisya posibleng iniwan ang mga iligal na droga sa lugar dahil dahil sa takot ng mga may dala nito na mabuko dahil kaliwa’t kanan umano ang checkpoint sa lungsod.

Sa ngayon ay kasalukuyan na ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa posibleng pagkakatunton ng mga nasa likod nang pag-iiwan sa mga kontrabandong illegal drugs. Rey Velasco

Previous articleNiratipikahang konstitusyon pinagtibay ng POC
Next articleTolentino: Less restrictive exploration sa WPS, magbababa sa presyo ng basic commodities