MANILA, Philippines – Nag-alok na ang pamahalaan ng kabuuang P3.7 milyong pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang mga suspek sa pagpatay sa radio anchor na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental.
“The office of Governor Henry Oaminal Sr., on November 10, 2023, announced a reward of P500,000 for anyone providing information on the suspects’ whereabouts. Additionally, a substantial reward of P3 million is offered to any law enforcement official who successfully arrests any of the individuals responsible for this heinous act,” saad sa pahayag ng Mindanao Independent Press Council (MIPC) nitong Lunes, Nobyembre 13.
“The commitment to justice is further highlighted by the contributions of the Presidential Anti-Organized Crime Commission, which has put up P100,000, and an additional P100,000 pledged to the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS),” dagdag pa.
Matatandaan na noong Nobyembre 5 ay pinagbabaril-patay si Jumalon ng hindi pa tukoy na gunman habang nagpoprograma sa 94.7 Calamba Gold FM sa kanyang tirahan sa Calamba, Misamis Occidental.
Ayon sa pulisya, ang gunman ay pumasok sa bahay ni Jumalon na nagpanggap umanong mayroong mahalagang anunsyo at walang ano-ano ay pinaputukan ang anchor na nakunan pa sa Facebook live streaming ng programa.
Kasunod nito ay inilabas ng pulisya ang computerized sketch ng isa sa mga suspek. Ang suspek sa naturang sketch ay ang nanatili sa gate.
Noong Nobyembre 8 naman ay naghain na ng reklamong murder at theft ang pulisya laban sa tatlong suspek sa pagpatay kay Jumalon. RNT/JGC