Home METRO P3.8-M shabu nakumpiska mag-live-in na tulak arestado

P3.8-M shabu nakumpiska mag-live-in na tulak arestado

244
0

ILOILO CITY – UMABOT sa P3.876 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang suspek kabilang ang isang babae sa pinaigting na operasyon kontra-droga sa lungsod na ito.

Kinilala ni Police Captain Glenn Soliman,ng RPDEU6 ang mga suspek na sina Rene Paches alyas “John”, 41, anyos, residente ng Brgy. Man-it, Passi City, at kinakasama nitong si Jean Narciso alyas “Neneng”, 29 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Aglalana, Dumarao, Capiz.

Sa pinagsamang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, Iloilo City Police Station 3, at Iloilo City Drug Enforcement Unit, nadaki ang mga suspek bandang 3:20 AM sa Jayme St. Brgy. Luna, Jaro, Iloilo City.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu sa nagpanggap na bibili kapalit ng halagang P35,000.00 at kapkapan ang mga ito nakuha sa mga suspek ang 11 pakete ng pinaghihinalaang shabu at may kabuuan 570 gramo na may halagang P3,876, 000.00.

Ayon sa pulisya, dati na rin nakulong si Paches sa kaparehong kaso at nakalabas ito ng piitan taong 2020.

Sinabi pa ng pulisya, na ang dalawang suspek ay nasa high value target .

Nakakulong ngayon sa facility lock-up ng Iloilo City Police Station 3 ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. /Mary Anne Sapico

Previous articlePagpapatupad ng Expanded Solo Parents Act pinasisilip sa Kamara
Next articleMega dike solusyon sa baha sa Bulacan, karatig lalawigan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here