Home METRO P3.9M taniman ng marijuana sa Benguet sinira

P3.9M taniman ng marijuana sa Benguet sinira

MANILA, Philippines – Nasamsam at sinira ng National Bureau of Investgation – Cordillera Administrative Region (NBI-CAR) ang 19,500 piraso ng tanim na marijuana sa 8,000 square meters na taniman na tinatayang aabot sa P3,900,000 sa Sitio Bana, Barangay Tacadag, Kibungan, Benguet.

Ang operasyon ay resulta ng natanggap na impormasyon ng NBI-CAR kaugnay sa mga plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar na pinananatili ng isang alyas na “Arturo” (FNU).

Bunsod nito, nakipag-ugnyan ang NBI-CAR sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera, para sa Operation “BANA-02” at nagtungo sa nasabing lugar para sa pagwasak sa plantasyon ng marijuana at ang pagdakip kay alyas “Arturo” at kanyang mga kasabwat.

Sa unang plantasyon, walang naaresto ngunit sinunog at sinira ang nasamsam na halamang marijuana.

Kasabay ng pagsira sa tanim na marijuana, nagdeploy ng drone ang mga operatiba ng NBI-CAR para matukoy ang eksaktong lokasyon ng iba pang kalapit na plantasyon na pareho ding sinira at idinokumento. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga bagong hemodialysis room ng Navotas City Hospital, pinasinayaan na
Next articleDeadline ng bid submission sa SETS project, iniurong ng Comelec