MANILA, Philippines – INIHIHIRIT ng Canned Sardines Association of the Philippines ang P3 na taas ng presyo ng mga delatang sardinas sa Department of Trade and Industry.
Giit ni CASP executive director Francisco Buencamino na ang kanilang kahilingan ay sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at hirap sa pangingisda sa karagatan ng Pilipinas.
Ani Buencamino, ang P3 na hirit na taas-presyo sa sardinas ay pagbabalik lang sa dapat na presyo ng sardinas matapos magkaroon ng price cap.
Dagdag pa niya na noon pang panahon ng pandemya ay naapektuhan na ang produksiyon ng sardinas bunsod ng lockdowns at social distancing.
“Mga tao, manpower natin, nagkawatak-watak na. Nag-resign o lumipat ng trabaho and we cannot get them back. The sardine industry is very labor-intensive,” ani Buencamino sa panayam sa radyo.
“Ang fuel is a major cost sa amin because you catch sardines by vessels. You don’t swim to catch the fish. You catch them by vessel, which uses fuel,” dagdag pa niya.
Ang SRP o suggested retail price ngayon ng sardinas ay wala pang P19. RNT