Home NATIONWIDE P30 ‘gang P40 dapat maging singil sa pasahe sa paggamit ng modern...

P30 ‘gang P40 dapat maging singil sa pasahe sa paggamit ng modern jeepney – solon

MANILA, Philippines – Nasa P1.6 million hanggang P2.4 million ang halaga ng isang modern jeepney at upang makabili nito ang isang ordinaryong driver ay nasa P7,000 kada araw ang dapat na kita o katumbas na P30 hanggang P40 na base fare, ayon kay 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita.

Sa naging pagdinig ng House Committee on Transportation sinabi ni Bosita na ang kanilang kumpyutasyon ay kasama pa ang subsidy na bigay ng gobyerno.

Giit ni Bosita malinaw na hindi kakayanin ng mga jeepney driver ang loan payment sa mga modern jeep.

“If we compute this, our drivers need to hit a target of more or less P4,000 to P5,000 per day – that’s without what they need to earn for their livelihood. And if we say that drivers are hardworking and even endure hunger, they would need to have a P1,500 to P2,000 per day income for themselves,” ani Bosita.

“So approximately, a total of P7,000 per day. The question for LTFRB is, have you studied the effects of the PUVMP? How much would the base fare of the commuters be so that drivers meet the requirement of P7,000 per day, more or less?” pahayag ni Bosita.

Sa panig ng LTFRB inamin ni Chairman Teofilo Guadiz na hindi nila kinokonsidera ang fare increase at ang dating pasahe ay manatili, giit ni Guadiz, habang ang presyo ng modern jeep ay aabot sa P1.6 million hanggang P2.4 million, mayroong mga local manufacturers na nag aalok ng P980,000.

Binatikos ni Bosita ang sagot ni Guadiz na hindi kinokonsidera ang taas pasahe, aniya, paano makababayad sa loan ang mga driver kung parehas pa rin ang pamasahe.

“With respect to LTFRB, if I am not mistaken with my analysis, with the P15 base fare for jeepneys, drivers cannot live by this because they cannot pay off their loan obligations. Based on my personal evaluation, the base fare would increase to P30 to P40 so that drivers can cover what they need to pay,” giit ni Bosita.

Sinabi ni Guadiz na may opsyon naman na modernong jeep subalit hindi lubhang mahal.

Ang usapin ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay iniimbestigahan ng Kamara kasunud na rin ng naging direktiba ni House Speaker Martin Romualdez kasunud ng alegasyon ng korupsyon sa pagpapatupad ng programa. Gail Mendoza

Previous articleRash Flores, sumumpa na hindi iiwan ang manager!
Next articleKontribusyon ng Indonesia sa Mindanao development kinilala ni PBBM