Home NATIONWIDE P30-M lotto jackpot paghahatian ng 2 lucky bettor

P30-M lotto jackpot paghahatian ng 2 lucky bettor

MANILA, Philippines – Maghahati ang dalawang mananaya mula sa lalawigan ng Cebu at Sultan Kudarat sa natumbok na P30 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Miyerkules ng gabi.

Sa isang advisory nitong Huwebes, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagawang mahulaan ang winning combination na 04-34-02-28-42-20 na may kabuuang jackpot prize na PHP30,052,036.20.

Ang dalawang tiket ay binili sa Consolacion, Cebu, at Tacurong City, Sultan Kudarat

Samantala, 23 iba pa ang nanalo ng PHP32,000 bawat isa para sa paghula ng limang winning digit; 1,174 ay makakakuha ng P1,000 bawat isa para sa apat na tamang digit; at 21,167 ay makakakuha naman ng P30 bawat isa para sa tatlong tamang digit.

Ang 6/45 Mega Lotto ay ibinobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. RNT

Previous articleLiquor ban sa Maynila, Okt. 29-Nob. 2
Next articleProvincial buses pinayagang dumaan sa EDSA mula Okt. 26-Nob. 6