Home METRO P30-M panis na karne, nasabat sa Caloocan

P30-M panis na karne, nasabat sa Caloocan

230
0

MANILA, Philippines – Tone-toneladang expired na meat products at frozen goods ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Caloocan City kagabi.

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture ( DA), National Meat Inspection Service (NMIS), Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Caloocan LGU ang isang storage compound sa kahabaan ng Tuna St. Kaunlaran Village, Caloocan City.

Walang taong nadatnan na nagbabantay sa lugar at nang buksan ang limang 14 footer na refrigerated container vans, tumambad sa kanila ang nasa 70 tonelada ng halo- halong karne ng baboy, manok, baka at iba pang processed foods na tinatayang nagkakahalaga ng 30-M piso.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng awtoridad, bagama’ frozen, unfit for human consumption o expired na ang mga karne at iba pang food products.

At batay sa mga marka, ang karne ay maaaring nagmula sa Canada at China.

Anila kapag napatunayan ng BOC na iligal na ipinasok sa bansa ang mga nasabing produkto ay may nakahanda silang smuggling case kasama ng iba mga kaso sa ilalim ng National Security Food Act ng DA.

“After 15 that will be given enough time to produce document kung di siya legally imported, then pag wala silang naibigay, we will issue a warrant of ceased and detention.”

“This is national security concern, nananawagan ako na kung mayroon ganitong klaseng concerned please sabihan nyo na po ang Bureau of Customs,” dagdag pa.

Binigyan ng 15 araw ang mga may-ari ng container van para magsumite ng mga kinakailangang dokumento para patunayan na legal ang importasyon.

Plano nilang sirain ang mga nasabat na sirang mga karne. Merly Iral

Previous articleP200-M inilaan ng DOLE sa mga manggagawang hagip ni Egay
Next article73-anyos kumasa sa hamon ng alkalde na magpatuli

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here