LAGUNA- Nakumpiska ng mga awtoridad ay higit sa P300,000 halaga ng illegal na mga pinutol na kahoy sa isinagawang anti-illegal logging operation ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), iniulat kahapon, Pebrero 10 sa bayan ng Kalayaan.
Sa pinagsamang operasyon ng Police Region 4A at grupo ng DENR, bandang 5:30 PM nadiskubre ng ang inabandonang mga pinutol ng kahoy na “lauan” na may iba’t ibang sukat sa Barangay San Antonio, ng nasabing bayan.
Ang nasamsam na kahoy ay may sukat na 6,000 board feet (14.15 cubic meters) na pagmamay-ari ng isang nagngangalang Arnold.
Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng ang mga kahoy ay iligal na pinutol sa kabundukan ng Sierra Madre na siyang pinakamalaking natitirang bahagi ng old-growth tropical rainforest sa bansa.
Kaagad naman dinala sa tanggapan ng DENR sa Sta. Cruz ang mga nakumpiskang kahoy para sa karampatang disposisyon. Mary Anne Sapico