Manila, Philippines – Nakasanayan nang sabihin ni Cristy Fermin sa kanyang radio program o online show kung gaano ka-reliable ang pinagmumulan o source ng kanyang mga ibinabalita.
The veteran showbiz writer’s line is always: “May source ako na kailanman ay hindi nangunguryente o nanununog…”
Ito’y para ipagdiinan ni Cristy that whatever story she breaks is far from being fake news.
Tulad na lang ng latest niyang nasagap tungkol sa talent fee o TF ng TVJ at ibang Dabarkads sa tahanan nila ngayon, ang TV5.
TV5 or Mediaquest Holdings is owned by Manny V. Pangilinan who also owns a string of other businesses.
Hindi na siyempre binanggit ni Cristy ang kanyang source.
Pero ang malinaw, nagpakawala ng earnest money si MVP nang ilang daang milyong piso bilang paunang bayad sa comic trio nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon, kasama ang ibang Dabarkads na bumubuo ng E.A.T.
Nilinaw naman ni Cristy na kung hindi man accurate ang ibinigay niyang figures ay malapit sa halagang ‘yon ang tinanggap ng mga datihang hosts ng Eat Bulaga.
Naibahagi rin kasi ni Cristy ang kaso noon ni Sharon Cuneta.
Ani Cristy, the Megastar was paid a whopping P2 biilion for her three-year contract with TV5.
Kaso, hindi natapos ni Sharon ang kontrata until it expired, she had to return a large portion of the money.
Going back to TVJ, no wonder kung bakit ganoon na lang ang tuwa ng buong Dabarkads sa pagbibigay-halaga sa kanila ng TV5.
Na ayon nga mismo kay Joey, katumbas ng 1,000 floors lampas helicopter! Ronnie Carrasco III