Home NATIONWIDE P30B agri products ipinuslit noong 2022 – SINAG

P30B agri products ipinuslit noong 2022 – SINAG

283
0

MANILA, Philippines – Aabot sa P30 bilyon halaga ng bigas, manok, baboy at sibuyas ang ipinuslit sa bansa noong 2022, ayon sa
Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kasabay ng Senate hearing nitong Huwebes, Mayo 18.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, ang parusa para sa large-scale smuggling o economic sabotage ay habambuhay na pagkakulong at multa na doble sa halaga ng ipinuslit na produkto.

Kinwestyon naman ng mga Senador ang mga awtoridad kung bakit wala pa ring naparurusahan kaugnay nito.

“Ang tagal-tagal ng batas, 2016, walang na-file-an ng economic sabotage,” sinabi ni Senador Cynthia Villar, chair ng Senate committee on agriculture, food, and agrarian reform.

“Ang intensyon natin yung mga konte-container na nakakalabas at ang nagpapabagsak sa presyo ng bigas at iba pa,” sinabi naman ni Senator JV Ejercito.

Mula noong 2018 ay nakapaghain na ang Bureau of Customs ng 179 smuggling cases, kabilang ang 142 para sa large-scale smuggling.

Ayon din sa BOC ay nakapagkumpiska na sila ng P2.7 bilyon halaga ng smuggled agricultural products hanggang nitong Mayo 16.

Ilang panukala na ang inihain sa Senado upang palakasin pa ang anti-agricultural smuggling act.

“Kasalukuyan kasi ang tinutukoy lamang, yung mga private entities pero kaya rin siguro hindi tumitigil sa mahabang panahon o kung may nasasabat man ay kaunting-kaunti ang nakakasuhan, lalo na nako-convict ay dahil hindi kasama yung mga nagko-collude sa loob ng gobyerno,” pagbabahagi ni Senator Risa Hontiveros.

“Sa tingin nyo ba masaya ako na life imprisonment lang kayo? Magbibigay ako ng panukalang batas na kayo diyan sa Bureau of Customs, na kapag kayo napatunayan na involved sa smuggling, dapat kamatayan din kayo,” segunda naman ni Senator Robin Padilla. RNT/JGC

Previous articleIRR sa anti-online sexual abuse, exploitation of children law pirmado na
Next article2,014 dagdag-kaso ng COVID naitala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here