Home NATIONWIDE P31.98B ilegal na droga, kemikal nasamsam ng PDEA mula July 2022

P31.98B ilegal na droga, kemikal nasamsam ng PDEA mula July 2022

MANILA, Philippines- May kabuuang P31.98 bilyong halaga ng illegal drugs, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) at laboratory equipment ang nakumpiska ng government anti-narcotics authorities mula July 2022 hanggang January 2024, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa “The Numbers of the Anti-Drug Campaign’’ report ng PDEA, may kabuuang 4,317.46 kilo (kgs) ng shabu, 50.47 kgs ng cocaine, 3,197.19 kgs ng marijuana st 54,013 piraso ng ecstasy ang nasabat sa nasabing period.

Sa 79, 841 na pagkakaaresto, 5,366 drug personalities ang idineklarang high-value targets (HVT) sa 58,496 operasyong isinagawa.

Bukod sa pagkakadakip sa drug personalities, winasak din ng government anti-narcotics operatives ang kabuuang 856 drug dens at isang clandestine laboratory.

Sa pinaigting na crackdown ng gobyerno sa illegal drugs, 28,247 sa 42,000 barangays ang tinukoy na ‘drug-cleared’ habang 7,264 barangay ang nililinis pa ng mga awtoridad. RNT/SA

Previous articleAmerican nat’l kalaboso sa bomb joke sa Laguindingan Airport
Next articleDSWD ‘top performing agency’ sa OCTA survey