Home METRO P34.5M ismagel na asukal, nakumpiska ng BOC

P34.5M ismagel na asukal, nakumpiska ng BOC

296
0

MANILA, Philippines- Nasa P34 milyon halaga ng mga ismagel na asukal mula sa Hong Kong ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang pagsusuri sa mga kargamento sa Manila International Container Port (MICP).

Nabatid kay BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, P17.25 milyong halaga ng imported na refined sugar mula Thailand ang natagpuan ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Field Station-MICP matapos ang masusing pagsusuri sa 10 container noong Hulyo 11.

Sa parehong araw, isa pang P17.25 milyong halaga ng refined Thailand sugar ang nadiskubre rin sa pagsusuri sa lima pang container.

Napag-alaman na ang mga container ay naka-consign sa Smile Agri Ventures Inc., at dumating sa MICP noong Mayo 27, 2023 kung saan idineklara ang mga ito na naglalaman ng 100,000 kilo ng silica sand sa bawat container.

Nilinaw ni Rubio na ang spot-check examination ay isinagawa matapos humiling ang CIIS Field Station-MICP para sa pagpapalabas ng Pre-Lodgment Orders (PLOs) noong Hunyo 30, 2023.

Ang pagsusuri ay isinagawa ng nakatalagang Customs examiner, kasama ang mga kinatawan mula sa CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), Philippine Coast Guard (PCG), Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), at Chamber of Customs Brokers, Inc (CCBI).

Nahaharap ang consignee sa mga posibleng paglabag sa Sec. 117 (Regulated Importation and Exportation) at Sec. 1400 (Misdeclaration in Goods Declaration) kaugnay ng Sec. 1113 (Property Subject to Forfeiture) ng Republic Act No. 10863 na kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). JAY Reyes

Previous articlePower outage sa DavNor kinastigo ni Bong Go
Next articleAyuda sa MSMEs ‘di dapat kalimutan sa pagpapasigla sa ekonomiya – solon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here