Home NATIONWIDE P35 taas-sahod sa Caraga aprubado na

P35 taas-sahod sa Caraga aprubado na

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Caraga (Region 13) ang P35 increase sa sahod ng mga minimum wage workers.

Sa Wage Order No. RXIII-18 na motu proprio na inilabas noong Disyembre 5, 2023, tinaasan ang daily minimum wage ng mga nasabing manggagawa sa lahat ng sektor sa P385.00

Ang pagtaas ay ibibigay sa dalawang tranche — ang paunang P20.00 ay magkakabisa sa Enero 1, 2024 habang ang pangalawang yugto na nagkakahalaga ng P15.00 ay ibibigay sa Mayo 1, 2024.

Ang pagtaas ay inaasahang direktang makikinabang ang 65,681 minimum wage earners sa rehiyon.

Bukod sa mga minimum wage earners sa Rehiyon 13, ang Wage Order No. RXIII-DW-04 ay motu proprio din na naglabas ng pagtaas ng buwanang minimum wage ng mga kasambahay ng P1,000.

Magiging P5,000 na ang buwanang sahod sa rehiyon na magkakabisa sa Enero 1, 2024.

Samantala, ang domestic workers sa National Capital Region (NCR) ay mabibigyan ng pagtaas sa halagang P500.

Ang RTWPB NCR motu proprio ay naglabas ng Wage Order No. NCR-DW-04 noong Dis. 12. 2023, pinataas ang buwanang minimum na sahod sa P6,500. Magkakabisa ang pagsasaayos ng sahod sa Enero 3, 2024.

Inaasahan namang makikinabang sa kabuuang 256,476 kasambahay — humigit-kumulang 57 porsiyento (146,202) sa kanila ay nasa live-in arrangement ang pagtaas ng suweldo para sa kasabay sa CARAGA at NCR. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleGrave threat case ni Castro, purely speculative – Digong
Next articleDOH oks sa ‘medical marijuana’