Home NATIONWIDE P350 wage hike sa lahat ng private sector workers nais ng Kamara

P350 wage hike sa lahat ng private sector workers nais ng Kamara

MANILA, Philippines- Sa katwirang hindi sapat ang inaprubahan ng Senado na P100 legislated wage hike, inanunsyo ng Kamara na sa kanilang hanay ay P350 daily minimum wage increase sa lahat ng private sector workers ang dapat na matanggap ng mga manggagawa.

“Our workers are enduring tough times, and as their representatives, it is imperative that we find substantial solutions to alleviate their financial burdens,” pahayag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.

Ayon kay Dalipe, isang consensus ang mabuo sa Kamara na P350 ang legislated wage hike.

Upang maisagawa ito, sinabi ni Dalipe na inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga mambabatas na pag-aralan ito.

“The Speaker asked us to find ways to enhance workers’ take-home pay, including a legislated wage hike or revisions in the regional wage board mechanism,” ani Dalipe.

Sq Miyerkules ay sisimulang talakayin ng House Committee on Labor and Employment ang mga panukala na nakabinbin sa Kamara para sa wage increase kasama na dito ang P150 across the board wage adjustment.

Nasa P150 hanggang P350 kada araw na wage hike ang isinusulong sa Kamara.

“While any increase is a step in the right direction, we must ensure that our legislative actions truly make a meaningful difference in the lives of our workers, particularly when considering the substantial challenges faced by the business sector, especially micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs),” paliwanag ni Dalipe.

Sa tanong sa kung ano ang magiging epekto ng P350 wage hike, sinabi ni Dalipe na pag-aaralan itong mabuti ng Kamara at titiyakin na magkaroon ng balanse.

“Congress is not just about passing laws quickly without thorough consideration. We are committed to enacting legislation that is both practical and beneficial for the long term,” pagtatapos pa ni Dalipe. Gail Mendoza

Previous articleMaglive-in partner kinatay!
Next articleMga kanseladong flight ngayong Lunes, Peb. 26