Home NATIONWIDE P35M ayuda sa landslide, flood victims sa Davao Region inilabas ng Kamara

P35M ayuda sa landslide, flood victims sa Davao Region inilabas ng Kamara

MANILA, Philippines – Nasa P35 million at 17,500 food packs ang agad ipamamahagi sa pitong distrito sa Davao Region na naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council  nasa 45,000 na pamilya o 187,000 na indibidwal ang apektado ng pagbaha at landslides bunsod ng malakas na pag-ulan mula pa noong Martes dulot ng shear line.

“Every moment counts, and we are working tirelessly to ensure that financial aid and essential supplies reach those in need without delay” pahayag ni Romualdez.

“We understand the gravity of the situation, and our combined efforts aim to alleviate the immediate challenges faced by our fellow Filipinos,” giit pa nito kung saan katuwang sa pamamahagi ng tulong ang Tingog Partylist.

Sinabi ni Tingog Partylist Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre na makakaasa ng agarang aksyon ang mga biktima ng kalamidad mula sa administrasyong Marcos.

“Our hearts go out to the people of the Davao Region facing the aftermath of this natural disaster” ani Rep Yedda.

Tingog Partylist is committed to working alongside Speaker Romualdez’s office to ensure that our assistance reaches those who need it most,” sambit naman Acidre.

Kada distrito ay bibigyan din ng 2,500 food packs, na nagkakahalaga ng P350 kada pack.

Ang 7 distrito ay makakatanggap din ng tulong financial para tugunan ang iba’t ibang aspeto ng relief efforts kasama na ang pagsasaayos ng maliliit na istruktura, tulong medikal at ayuda sa mga displaced family. Gail Mendoza

Previous articleSirit-presyo sa gas, diesel nakaumang – DOE
Next articlePagbagsak ng debris ng China rocket, ibinabala ng PhilSa