Home HOME BANNER STORY P35M bulok na karne na nirerepak, binebenta ulit bistado sa Bulacan

P35M bulok na karne na nirerepak, binebenta ulit bistado sa Bulacan

250
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Department of Agriculture (DA) kasama ang Bureau of Customs (BOC) ang toneladang expired na karne na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang P35 milyon sa isang bodega sa Meycauayan, Bulacan noong Martes.

Base sa ulat na ang siste ay ire-repack ang mga nasabing karne at muling ibinebenta sa mga palengke ang mga expired na pork at beef products.

Walang naaresto sa isinagawang raid, dahil walang tao sa loob ng bodega habang isinasagawa ang operasyon. Nasa ibang bansa din umano ang may-ari ng bodega.

Ang karne, na umano’y nag-expire noong 2021 at nagdulot ng masamang amoy, ay nagmula umano sa iba’t ibang bansa, kabilang ang India at Germany.

Nagsasagawa pa ng buong imbentaryo ang mga awtoridad sa mga nasamsam na karne at inaalam kung saan ibinebenta ang mga ito. RNT

Previous articleLucky bettor milyonaryo agad sa unang taya!
Next articleSigang gwardya nanakot ng bata; tuta hinagis sa footbridge, patay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here