MANILA, Philippines – Wagi ang solo bettor ng P36.2 million Lotto 6/42 jackpot sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Huwebes, Setyembre 7.
Masuwerteng nahulaan ng bettor ang winning combinations na 03-31-15-19-10-27 na nagkakahalaga ng P36,257,127.40 jackpot.
Bukod sa grand prize winner, 109 Lotto 6/42 bettors ay nakakuha ng P24,000, at 3,745 na mga manlalaro ay nanalo ng tig-P800 para sa ikatlong premyo.
Ang PCSO ay mayroong Lotto 6/42 draws tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Samantala, wala namang nakahula sa 06-15-20-38-43-07 Super Lotto 6/49 winning digit combination na nagkakahalaga ng P38,205,605 jackpot prize.
Bagama’t nanatiling hindi na-claim ang jackpot, 12 manlalaro ang nanalo ng tig-P50,000 para sa ikalawang premyo, at 834 na taya ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,200.
Ang susunod na Super Lotto draw ay sa Sept. 10 at 12. RNT