Home METRO P3M tanim na marijuana sa Kalinga, sinira ng mga awtoridad

P3M tanim na marijuana sa Kalinga, sinira ng mga awtoridad

MANILA, Philippines – Sinira ng mga awtoridad ang 15,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P3 milyon sa dalawang taniman sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nitong Huwebes, Marso 28.

Ayon kay Police Col. Freddie Lazona, Kalinga police director, nilusob ng joint operatives mula sa kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga ang dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang land area na 1,200-square meters.

Nadiskubre ang mga ito sa pamamagitan ng mga asset.

Ani Lazona, binunot at sinunog ng mga awtoridad ang tanim na mga marijuana.

Dinala ang ilang sample sa Kalinga Provincial Forensic Unit para sa testing.

Hindi nahuli sa operasyon ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana. RNT/JGC

Previous articleMagsasaka nalunod sa ilog sa Isabela
Next articleLockdown sa ilang bayan sa Cavite dahil sa pertussis ‘di totoo