Home METRO P3M tobats nasabat sa parking lot sa Maynila

P3M tobats nasabat sa parking lot sa Maynila

MANILA, Philippines – Nasa mahigit sa P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa parking area ng mall sa Brgy Molino III, Bacoor City, Cavite.

Base ulat, dakong ala-1:35 ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA RO) IV-A, PDEA Cavite Police Provincial Office (PPO) at Bacoor CPS sa Rear Parking Lot ng RFC Mall sa Brgy Molino III, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,400,000.00 at cellphone.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 , Art. II ng RA 9165 ang isasampa laban sa suspek na nakilalasa alyas na “Alim”.
Margie Bautista

Previous articleCoco, namirata ng mga artista!
Next articleKathryn, nagkwento sa experience sa Australia!