Home METRO P4.2M marijuana nasamsam sa Kalinga, Benguet

P4.2M marijuana nasamsam sa Kalinga, Benguet

MANILA, Philippines – Sinira ng mga awtoridad ang nasa P4.2 milyong halaga ng marijuana sa Kalinga at Benguet nitong Martes, Hunyo 11.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office, nasa 14,250 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2.8 million ang binunot nila sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga.

Naaresto naman ang 21-anyos na hinihinalang tulak sa Barangay Poblacion, Tinglayan matapos nito.

Nakita nila ang suspek na may kahina-hinalang galaw at nang lapitan ay nakita ang isang bag na may lamang limang bundle ng dried marijuana leaves na tumitimbang ng limang kilo at nagkakahalaga ng P600,000.

Samantala, nadiskubre at sinira naman ang nasa limang kilo ng dried marijuana plants at 1,150 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P830,000 sa mga bayan ng Bakun at Kibungan, Benguet. RNT/JGC