Home NATIONWIDE P4.5B Panglao airport upgrade, iba pang high impact projects aprub na sa...

P4.5B Panglao airport upgrade, iba pang high impact projects aprub na sa NEDA

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang anim na high impact projects na nagkakahalaga ng P269.7 bilyon.

Kasama rito ang P4.5 bilyong upgrade sa Bohol-Panglao International Airport, pagbabahagi ni NEDA chief Arsenio Balisacan nitong Biyernes, Oktubre 13.

Sinabi ni Balisacan na ang lima iba pang aprubadong proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng Public Private Partnership. Ito ay ang mga sumusunod:

– Dialysis center project para sa Baguio General Hospital and Medical Center,

– Ikalawang karagdagang financing para sa infrastructure preparation and innovation facility,

– Green Economy Program,

– Bataan-Cavite Interlink Bridge,

at revisions ng Cebu Bus Rapid Transit project.

“I am pleased to announce that the National Economic and Development Authority Board, under the leadership of President Ferdinand R. Marcos, Jr., has approved a number of high-impact programs and projects amounting to approximately P269.7 billion during its tenth meeting held today. [These are being undertaken] to boost tourism and address gaps in our healthcare system,” sinabi ni Balisacan.

Aniya, layon ng P4.5 bilyong halaga ng expansion sa Bohol-Panglao International Airport project na mapataas ang passenger capacity at mapabuti ang passenger experience ng paliparan na kasalukuyang tumatanggap ng dalawang milyong pasahero kada taon.

Sa naturang expansion project, mapapaabot sa 2.5 milyon ang maximum passenger capacity sa unang taon ng implementasyon at posible pang umabot ng hanggang 3.9 milyon sa pagtatapos ng proyekto. RNT/JGC

Previous articleGold medal mananatili sa Gilas 
Next articleTeodoro sa propaganda ng China sa WPS: ‘Katawa-tawa’