Home METRO P4.5M marijuana nakumpiska sa 2 suspek sa Cavite

P4.5M marijuana nakumpiska sa 2 suspek sa Cavite

BACOOR CITY- UMABOT sa halagang P4.5 milyon marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa isinagawang buy bust operation kaninang madaling-araw, Hulyo 12 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Christian Kyle Dueñas at Rodolfo Bautista, kapwa ng Molino I sa nasabing lungsod.

Ayon kay Colonel Christopher Olazo, hepe ng Cavite Provincial Police Office, bandang 3:15 AM nang madakip ang mga suspek sa nasabing lugar.

Nakabili ang operatiba ng marijuana sa halagang P10,000.

Nakuha sa mga suspek ang 38 kilo ng marijuana at tinatayang may street value na P4,560,000.

Sinabi pa ng pulisya na ang mga nadakip na suspek ay pawang nasa “high-value” target na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico

Previous article1st-year achievement ni PBBM sa higher education, ‘significant’ – CHED
Next articleHoldaper ng estudyante sa SJDM nadakma ng taumbayan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here