Home METRO P4.68M marijuana winasak sa disputed boundary ng Ilocos Sur, Benguet

P4.68M marijuana winasak sa disputed boundary ng Ilocos Sur, Benguet

ILOCOS SUR- Umaabot ng P4,680,000 ang halaga ng marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa tatlong plantation sites na nadiskubre nila sa disputed boundary ng Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Sitio Batangan, Tacadang, Kibungan, Benguet sa isinagawa nilang marijuana eradication operation nitong Lunes (Pebrero 26) at Martes (Pebrero 27).

Ang grupo ay binubuo ng Sugpon MPS, PDEA-RO1, ISPIU/ISPDEU, Alilem MPS, Sto. Domingo MPS, 1st and 2nd ISPMFC at 103rd MC RMFB1.

Tinatayang nasa 10,900 na fully grown marijuana plants at 20 kilograms ng dried marijuana stalks ang nadiskubre ng mga awtoridad sa naturang lugar.

Walang nahuling cultivator ang mga awtoridad mula sa mga nabanggit na taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso

Previous articleBong Go, Tolentino, Bato umayuda sa Pasig City indigents
Next articlePope Francis sapul ng flu