Home NATIONWIDE P4.7M ismagel na sigarilyo nasamsam

P4.7M ismagel na sigarilyo nasamsam

DAVAO CITY- ARESTADO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng P4.7 milyon halaga na ismagel na sigarilyo sa isinagawang operasyon ng awtoridad noong Biyernes, Marso 22 sa lungsod na ito.

Ang mga nadakip na suspek ay kinilala sa alyas Edgardo, 32-anyos, at alyas Johnrey, 30-anyos, kapwa residente ng Kiblawan, Davao del Sur,

Sa pinagsamang operasyon ng Task Force Davao, Davao City Police Office at Bureau of Internal Revenue (BIR) Davao Region, naharang ang mga suspek sa Davao City Entry Point sa Barangay Lacson, Calinan District, Davao City, sakay ng kulay gray na Mazda close van na plakang NFK 8239.

Nakuha sa mga suspek ang 150 kahon naglalaman 7,500 ream na ismagol na mga sigarilyo, na kinabibilangan ng 100 kahon na King Perfect at 50 kahon na New Berlin Menthol Cigarettes.

Ayon kay Task Force Davao Commander Colonel Darren E. Comia, nagpapasalamat sila sa kooperasyon ng mga residente at concerned citizen na nagbigay na impormasyon hinggil sa ismagol na sigarilyo na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Tinurn-over naman sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) Davao ang mga nakumpiskang iligal na sigarilyo at pagsasampa ng kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous article3 bahay naabo sa cellphone
Next articleBabaeng entertainer sa bar, binaril patay