MANILA, Philippines – Umapela si House Committee on Labor and Employment Chairman Rizal Rep. Fidel Nograles sa pamhalaan na tiyakin mababa ang presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo upang makasapat ang ipinatupad na P40 minimum wage hike sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Nograles malaking tulong ang dagdag na sweldo gayunpaman hindi ito makasasapat kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.
“Parallel efforts should be implemented in the agriculture and transport sectors so that workers pay less for food and transportation. We need to have a balanced response to the issues that our workers face. Hindi lang wage increase ang solusyon. Kailangan din nating ayusin nang sabay ang problema sa agrikultura at transportasyon para mas malaki ang take-home pay ng mga kababayan natin” paliwanag ni Nograles.
“Our efforts to improve workers’ quality of life should not stop with a wage hike. We also need to aggressively move to lessen the cost of commodities to increase workers’ purchasing power,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Nograles na bagamat nagpatupad ng wage hike ay hindi pa rin dapat na tumigil ang Kongreso sa kanilang deliberasyon para sa ilang panukala na nagsusulong ng mas mataas na wage increase.
Una nang sinabi ng National Wages and Productivity Commission of the Department of Labor and Employment na maaari nang simulan ng mga employers sa National Capital Region (NCR) ang dagdag na minimum wage simula sa Hulyo 16.
Sa ilalim ng wage Order No. NCR-24,ang daily minimum wage sa NCR ay magiging P610 mula sa dating P570.
Sa agriculture sector, service at retail establishments na mababa sa 15 ang empleyado at sa manufacturing establishments na may 10 manggagawa, ang daily minimum wage ay P573 mula sa dating P533
Tutol naman ang labor groups sa kakarampot na wage hike, anila, sa mataas na presyo ng bilihin ay dapat na P1,161 na ang minimum wage. Gail Mendoza