Home METRO P400K shabu nasabat sa 3 HVIs sa Malabon

P400K shabu nasabat sa 3 HVIs sa Malabon

325
0

MANILA, Philippines – Nasa mahigit P.4 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong bagong indentified drug personalities na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw, Mayo 22.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Amado Amano, 53, delivery courier, Blesilda Dela Cruz alyas “Blessy”, 50, kapwa residente ng Alupihang Dagat St., Brgy. Longos at Jinky Dela Cruz, 46, ng Blk 5 Lot 45 Phase 2 Area 3 Dagat-Dagatan, Caloocan.

Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation laban sa mga suspek kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng P10,000 halaga ng droga.

Nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay sgad silang inaresto ng mga operatiba sa Blk 46 corner Pampano St., Brgy. Longos dakong alas-12:01 ng madaling araw.

Nasamsam sa mga suspek ang pitong small heat-sealed transparent plastic sachets at isang knot tied transparent bag na naglalaman lahat ng humigi’t kumulang P408,000.00 halaga ng hinihinalang shabu, buy bust money na isang P1,000 bill, kasama ang 9-pirasong P1,000 boodle money at coin purse.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura

Previous article78.9M Pinoy rehistrado na sa National ID
Next articleBuboy, pumalit kay Boobay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here