Home HOME BANNER STORY P42M ismagel na bigas nasamsam ng BOC sa Zamboanga

P42M ismagel na bigas nasamsam ng BOC sa Zamboanga

335
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa P42 milyon halaga ng mga ismagel na bigas ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa Brgy. San Jose Gusu, Zamboanga City.

Nabatid sa BOC, bitbit ang Letter of Authority na nilagdaan ni Commissioner Bienvenido Rubio ay nagsagawa ng inspeksyon sa isang bodega sa Brgy. San Jose Gusu matapos makatanggap ng impormasyon na may mga smuggled na bigas sa isa sa mga stall doon. Napag-alaman sa imbentaryo ng subject warehouse ang 42,180 sako ng Alas Jasmine Fragrant Rice.

Napag-alaman sa BOC na nakapagsumite naman ng mga import documents ang kinatawan ng may-ari ng nasabing bodega hinggil sa mga nasabing bigas alinsunod sa Seksyon 224 ng Republic Act No. 10863, o mas kilala bilang “Customs Modernization and Tariff Act” (CMTA).

Gayunpaman, sa pagberipika ng mga dokumentong isinumite ay napag-alamang hindi sakop ng requisite Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Bureau of Plant Industry ang mga nasabing bigas.

Bukod pa umano dito, may mga pagkakaiba sa aktwal na nasamsam na mga kalakal mula sa kung ano ang idineklara sa mga dokumentong ipinakita. Ang mga isinumiteng patunay ng pagbabayad ay tumutukoy sa isang kargamento ng “White Rice 15% Broken”, habang batay sa aktwal na pagsusuri, ang mga nasabat na sako ng bigas ay “Jasmine Fragrant Rice”.

Noong Setyembre 1, 2023 ay nagpalabas ang BOC-POZ ng Order of Forfeiture laban sa mga subject na sako ng bigas para sa paglabag sa Section 1113 (f) in relation to Section 117 of the CMTA of 2016, Rice Tariffication Law, at Republic Act No. 10845, o mas kilala bilang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016”.

Ang mga nasamsam na kalakal ay dapat i-dispose alinsunod sa umiiral na batas. JAY Reyes

Previous articleMga gabinete, senador dumalo sa birthday celebration ni PBBM
Next articleDFA umaasa sa pagbabalik ng OFW deployment talks sa Kuwait

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here