Home HOME BANNER STORY P43M lotto jackpot prize nasolo bago mag-Bagong Taon

P43M lotto jackpot prize nasolo bago mag-Bagong Taon

MANILA, Philippines – Bago mag-Bagong Taon, isang mananaya ang instant milyonaryo matapos na matumbok ang jakpot price sa Lotto 6/42 jackpot na nagkakahalaga ng mahigit P43 milyon nitong Disyembre 28.

Nagawang mahulaan ng bettor ang winning digits na 18-34-01-11-28-04 na may jackpot prize na P43,882,361.

Wala namang nanalo sa ibang major lotto draw, ang Super Lotto 6/49.

Lumabas ang winning combination na 06-19-07-40-43-25 na may jackpot prize na P20,173,216.20.

Samantala, ilang araw na lang bago ang Bagong Taon, ang jackpot prize ay umabot na sa mahigit kalahating bilyong piso bawat isa sa Ultra Lotto 6/58 at Grand Lotto 6/55 pero nananatili itong mailap sa mga mananaya. RNT

Previous articleNorthern at Central Luzon uulanin sa Amihan
Next article395 bagong kaso ng Covid-19 naitala