Home NATIONWIDE P45M housing sa mga biktima ng bagyong Odette itatayo sa Siargao

P45M housing sa mga biktima ng bagyong Odette itatayo sa Siargao

311
0

MANILA, Philippines – Itatayo ang isang housing project na tutulong sa mga biktima ng Super Typhoon Odette sa bayan ng General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.

Ang housing project, na may kabuuang badyet na P45 milyon ay itatayo sa kalahating ektaryang lugar sa Purok 5, Barangay Poblacion.

Sa mensahe, sinabi ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Jose Matugas II na aabot sa 50 housing units ang itatayo sa ilalim ng Silongan Housing Project.

“This housing project will be funded through the Department of Public Works and Highways. My office facilitated the follow-up and release of the funding for this project, which will help the typhoon victims in the town who were not able to fully recover,” ani Matugas.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni General Luna Mayor Sol Matugas na simbolo ang housing project ng “resilience, hope at care” para sa mga residenteng labis na napinsala ng bagyo noong Disyembre 2021.

“With the support of all the stakeholders, we will help them rise by providing their families decent housing units,” ayon kay Matugas.

Ang General Luna ay ikinokonsiderang tourism hub sa isla dahil sa mga surfing sites nito, kung saan sa nagdaang bagyo ay nagtamo ito ng P1.2 bilyong pinsala sa mga tirahan, tourism-related facilities at imprastruktura. RNT/JGC

Previous articleRapist na sekyu, arestado
Next articleCastro may paglilinaw, impeachment talks vs VP Sara ‘premature’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here