Home METRO P45M lotto jackpots bigong mapanalunan

P45M lotto jackpots bigong mapanalunan

261
0

Walang nanalo sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Sabado ng gabi, May 20.

Ang mga winning numbers para sa Grand Lotto ay 01 – 33 – 43 – 53 – 26 – 20 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P29,700,000.

Tatlong bettors naman ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P100,000 habang 238 players ang nakakuha ng third prize na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto ay ibinobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado ng 9 p.m.

Samantala, ang swerteng combination para sa Lotto 6/42 ay 21 – 39 – 22 – 18 – 02 – 36 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P15,393,333.

Sinabi ng PCSO na 19 bettors ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P24,000 at 1,012 players ang nanalo ng third prize na nagkakahalaga ng P800.

Ang Lotto 6/42 ay ibonobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado ng 9 p.m. RNT

Previous articleQC compound sinalakay sa ‘pa-ihi’ ng LPG
Next articleKatutubong Pinoy na nakararanas ng undernutrition, dumarami

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here