Home NATIONWIDE P478M infra, enterprise projects ng DA nagpapatuloy sa Negros Occidental

P478M infra, enterprise projects ng DA nagpapatuloy sa Negros Occidental

MANILA, Philippines – Aabot sa P477.7 million na proyekto sa imprastruktura at enterprise ang ipatutupad sa ilalim ng Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) sa iba’t ibang local government units sa Negros Occidental.

Ang datos na ito ng pamahalaang panlalawigan na inilabas nitong Miyerkules, Agosto 16, ay matatagpuan sa 12 lungsod at munisipalidad sa probinsya.

“As we maximize all the resources and mechanisms available for the development of the province’s agriculture sector, these are the approved and ongoing projects under the PRDP,” pahayag ni Governor Eugenio Jose Lacson.

Kabilang dito ang P63-million Himogaan Bridge III sa Sagay City at LGU abattoirs na may kabuuang P290 million sa San Carlos City, munisipalidad ng Hinoba-an, Cauayan, Murcia, Binalbagan GTP at Toboso.

Ilan pa rito ang coffee processing at marketing enterprises sa mga lungsod ng Cadiz at Sipalay, at La Castellana na nagkakahalaga ng P64.7 million; P17.4-million goat breeding at marketing enterprise facilities sa Calatrava; P22.9-million Salvaticam native chicken production facility sa Pontevedra; at P19.7-million virgin coconut oil processing at marketing enterprise sa Cauayan.

Ang mga proyekto ay itinatag sa pamamagitan ng DA-PRDP na pinondohan ng World Bank kasama ang counterparts mula sa national government at Negros Occidental provincial government.

Kumpleto na ang mga proyekto at ipinakilala na ngayong taon kabilang ang P76.2-million Himogaan Bridge sa Sagay City at halos P26-million muscovado production at marketing enterprise facility sa Kabankalan City. RNT/JGC

Previous articleLimang abugado kinastigo ng SC sa pagiging homophobic
Next articlePaolo, handa nang igarahe si Yen!