Home NATIONWIDE P485-M baril, mobility assets idinagdag sa arsenal ng PNP

P485-M baril, mobility assets idinagdag sa arsenal ng PNP

MANILA, Philippines – Bilang pagpapalakas sa hanay nakakuha ang Philippine National Police (PNP) ng humigit-kumulang P485 milyong halaga ng mga baril, mobility at protection equipment bilang bahagi ng modernization efforts nito.

Sinabi ni PNP director for logistics Maj. Gen. Mario Reyes na ang mga bagong kagamitan ay nakuha sa ilalim ng mga programa sa pagpapahusay ng kakayahan ng puwersa mula 2021 hanggang 2023.

Sa blessing rites nitong Lunes, ipinakita ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang mga bagong kagamitan kabilang ang 3,243 striker-fired 9mm pistol na nagkakahalaga ng PHP61.4 milyon, 406 unit ng autogated night vision na nagkakahalaga ng mahigit PHP121 milyon, at 2,648 all-purpose tactical vests nagkakahalaga ng mahigit PHP113 milyon.

Kaugnay nito nakakuha rin ang PNP ng kabuuang 11 light motorcycles na 150 cc na nagkakahalaga ng PHP1.57 milyon at limang 650 cc heavy motorcycle at 143 single cab patrol jeepney na nagkakahalaga ng mahigit PHP175 milyon.

“Yung transportation natin halos sa tingin ko 80 percent na yung last report na nababasa ko, 80 to 90 percent yung kumbaga objective natin na nako-comply na natin. Ang pinagpapasalamat ko is the LGUs (local government units) are also doing their part and malaking bagay yung support nila,” ayon kay Acorda sa press briefing sa Camp Crame.

Sinabi niya na pinaplano nilang bumili ng humigit-kumulang 22,000 mga camera na nakasuot sa katawan para sa taong ito.

Ayon pa kay Acorda na ang plano ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PNP na panatilihin ang ranking ng Pilipinas bilang ikatlong pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia, ayon sa 2023 Global Law and Order Report ng Washington-based think tank na Gallup.

“Yes around 22,000 [body-worn cameras] ang balak bilhin this year pero kung makuha natin mas mura mas maganda (Yes, we plan to buy around 22,000 body-worn cameras this year. It would be much better to get it at a lower presyo),” aniya.

Samantala bukod sa pagkuha ng mas maraming kagamitan para sa kanilang mga operasyon, sinabi ni Acorda na plano rin nilang maglagay ng mas maraming istasyon ng pulisya upang ma-accommodate ang humigit-kumulang 6,000 recruits mula noong nakaraang taon. Santi Celario

Previous articlePresyo ng bottled water sa Baguio binabantayan ng DTI
Next articleKelot dumayb sa Pinsal Falls, dedbol!